Linggo, Agosto 4, 2013

"BATA, BATA.. PA'NO KA GINAWA?" ni: Lualhati Bautista de la Cruz


PAGKILALA SA MAY AKDA:
ito po ang libro :)


Si Lualhati Bautista Dela Cruz ay isang bantog na babaeng Pilipinong manunulat. Kadalasan, ang mga akda niya ay nasa anyong nobela o maikling kwento, pero nakakalikha din siya ng ilang akdang pampelikula. Pinanganak sa Tondo, Manila noong Disyembre 02, 1945. Ang ilan sa kanyang mga akda ay ang Gapo, Dekada 70 at Bata Bata Pa'no Ka Ginawa ? na nakapagpanalo sa kanya sa Palanca Award ng tatlong beses: noong 1980,1983,1984. Marami pa siyang akda na lubos na nagpaningning ng kanyang pangalan. Naniniwala sya na ang buhay ng tao ay isang napakahalagang biyaya ng Diyos na di dapat pabayaang masira.
MGA TAUHAN :

                 Nanatiling tapat ang may akda sa paglalarawan ng mga tauhan sa nobela. Bagamat hindi pangkaraniwang Babae si Lea, makatotohanan pa rin ang kanyang karakter. Sa panahon ngayon ay hindi na uso ang martir na asawa. Iyon ay pinatunayan ni Lea. Siya ay malayo na sa tradisyonal na konsepto ng kababaihan. Si Lea ang pangunahing tauhan sa nobela at kaagay nya dito ang kanyang pamilya na sina Maya, Ojie, Ding, Raffy, at Johnny na nakatulong upang mas lalong  maging kapani-paniwala ang nobelang ito.


BUOD  :


                  "BATA, BATA... PA'NO KA GINAWA ?"
nobela ni: Lualhati Bautista de la Cruz

                        Ang buhay ng tao ay isang napakahalagang biyaya ng Diyos na di dapat pabayaang masira. Ang paggawa ng isang bata ay di agad masasagot nang walang pagunawa sa tanong na "Bata , bata.. Pa'no ka Ginawa ? tanong na nakakatawa ngunit napapanahon, lalo na sa mga kabataang naghahanap ng katotohanan tungkol sa kanilang buhay at  sa mundong ginagalawan. Tayo'y nilikha ng Diyos sa pamamagitan ng ating mga magulang, sila na nagbibigay buhay sa atin. Hiram lang ang buhay na ito kaya'y nararapat lang pangalagaan. Ang paggaawa ng bata ay may kaakibat na responsibilidad at di nagtatapos sa panganganak. Ito ay nagpapatuloy hanggang sa paglaki at ang paglaki ng bata ay siya ring paglaki ng magulang bilang isang tao sa mga aspetong emosyonal, intelektwal, sikolohikal at ispiritwal. Kasama sa pagunlad ng pag iisip ng anak pati na rin sa pagusbong ng mga bagong kaisipan mula rito. Ptuloy ang kanilang paglalakbay tungo  sa  pinag mulan,ang Diyos. Marahil nga ay madilim ang kinabukasan ngunit kailangang harapin natin ito ng may tapang at pag asa dahil tanging dito lang magkakaroon ng saysay ang ating buhay. Marahil din ay walang kabuluhan ang ating pagkabuhay sa mundo ngunit kailangan pa rin tayong magpatuloy dahil tanging Diyos lamang ang may karapatang kunin ang buhay. Marahil  ay hindi na mabibigyang kasagutan ang ating mga katanungan ngunit hindi tayo dapat tumitigil  sa paghahanap ng katotohanan dahil dito natin matatagpuan ang kapayapaan. Ang tagumpay ay sakripisyo; ang sakripisyo ay pagtulong/pagpapatuloy: ang pagpapatuloy ay ang pakikibaka.

         "Bata, Bata.. Paano ka ginawa ? Paano ka ginawa sa isang lipunang ang tunggalian ay makauri, isang panahong ang bayan ay nasa krisis, sa isang pamilyang nakikipaglaban sa taong tiwalag sa kapwa ? Paano ? Sa pag-ibig, at sa pag-ibig kailangang ding mabuhay at mag alay ng buhay." !!!


MGA ARAL :

               Iminulat ng may akda ang mga mambabasa sa  Realidad ng buhay sa mundo sa pamamagitan ng pananaw ng isang Bata. Sa pamamgitan ni Lea, ipinapakita na hindi sa lahat ng panahon ay magiging kasintahimik na lang tayo ni Placido Penitente. Kilangang magpasya at makibaka sa dagat ng buhay. Kailangang tugunin ang tawag ng panahon. Huwag magwalang-bahala sa kawalang katarungan, paghihirap, at diskriminasyong nangyayari sa lipuna.

           Patuloy tayong naghahanap ng kalayaan, tulad ni Lea na ayaw manatili sa kanyang  nakakahon at maliit na papel bilang isang babae. Sa ating paghahanap ay may mga matatagpuan din tayong mga butil ng buhay. Ang pagrerebelde ng mga bata ay dala na rin siguro ng supresyon at kakulangan sa pag-aaruga sa bahagi ng magulang. Ang panlabas naimpluwensya ay isa ring dahilan ngunit maaaring bunga lang ito ng mga suliranin sa pamilya.

            Ang pagnanasang baguhin ang mundo ay nangangailangan na rin marahil sa pagnanasang baguhin ang ating sarili. Ang isang magulong sitwasyon ay hindi kaagad nag-uudyok ng radikal na pagbabago. Ang ating galit sa mundo ay salamin na rin ng ating galit sa sarili. Ang rebolusyon, kung gayon, ay dapat nagsisimula sa ating mga sarili. ! 

Linggo, Hulyo 28, 2013


Pamahiin  

    Naniniwala ka ba sa pamahiin ? Yung bang palaging    sinasabi ng mga matatanda. Yung palaging pinapaalala nila sa atin. Yung "bawal toh" , "bawal yan", " masama yan" , " masama yon" at kung ano-ano pang paliwanag . Yung paulit ulit nilang pagpapaalala sayo hanggang sa sinusunod mo na pala.

        May iba't ibang klase ng pamahiin. May pamahiing nakakatakot, pamahiing nagbibigay babala, pamahiing pampaswerte at kung ano - ano pa .Sabi nila hindi naman daw totoo ang pamahiin, pero wala naman daw mawawala kung maniniwala tayong mga tao. Ang mga Pilipino, likas sa atin ang pagiging masunurin kung kaya't marami tayong pinaniniwalan sa buhay kasama na dito ang mga pamahiin na noong unang panahon pa umusbong. Ngunit marami din sa atin ang likas na mapag-isip at matanong, maraming tutol o kontra sa paniniwala ng mga Pilipino sa mga pamahiin. Marami ang naniniwala sa salita ng Diyos kung kaya't kontra sila sa pamahiin.Ayon sa DEUTERONOMIO 18:10-12 "Huwag makakasumpong sa iyo ng sinomang nagpaparaan sa apoy ng kaniyang anak na lalake o babae, o nanghuhula o nagmamasid ng mga PAMAHIIN o enkantador, o manggagaway, O enkantador ng mga ahas, o nakikipagsanggunian sa mga masamang espiritu, o mahiko, o sumasangguni sa mga patay. Sapagka't sinomang gumagawa ng mga bagay na ito ay karumaldumal sa Panginoon: at dahil sa mga KARUMALDUMAL na ito ay pinalalayas sila ng Panginoon mong Dios sa harap mo. "Sinasbi dito na ang pamahiin ay karumaldumal sa harap ng Diyos. Ngayon kanino ka maniniwala, sa Diyos at nakasaad sa Bible o sa mga sabi - sabi lang.?

           Gaya nga ng sabi ko , may kanya-kanya tayong pinaniniwalaan . May kanya-kanya trip. Nasa sa atin pa din ang desisyon kung maniniwala o susunod ba tayo sa ating kinagisnang tradisyon. Tayo naman ang gumagawa ng ating kapalaran ang kung anong maaaring mangyari sa hinaharap. May kanya-kanya tayong opinyon, may sari-sarili tayong paniniwala. Nasa sa atin ang paraan kung paano patatakbuhin ang daloy ng ating buhay. Basta ang mahalaga, gawin natin kung ano yung mas makakabuti sa atin. Maniwla man o hindi sa pamahiin, wag nating kakalimutan ang Diyos na lumikha. !!

Sabado, Hunyo 22, 2013

Pilipinas Umaangat na ba ?

                   Patuloy ang Pag unlad .


NOONG nakaraang Abril, nagbigay ng forecast ang Moody’s Analytics sa ekonomiya ng bansa para ngayong taon 2013. Ang sabi sa report ng Moody’s na may title na “Philippines Outlook Asia’s Rising Star”, ang ekonomiya raw ng bansa ay lalago ng 6.5 hanggang 7 percent ngayong 2013 at magpapatuloy pa hanggang 2016.

Aba, nagdilang anghel yata ang Moody’s sapagkat isang buwan lang makaraang mag-forecast ay eto at pumalo na sa 7.8 percent (unang quarter ng taon) ang paglago ng ekonomiya ng bansa. Mabilis ang paglago sapagkat nilampasan pa ang China at iba pang bansa sa Asia. Ang China ay umangat ng 7.7 percent sa unang quarter ng taon. Ang Indonesia ay 6 percent; Thailand, 5.3 percent at Vietnam, 4.9 percent.
Nakamamangha ang mabilis na paglago ng ekonomiya. Maski si Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan ay hindi makapaniwala sa mabilis na paglago ng kabuhayan. Ang paglago ay binabase sa Growth Domestic Product (GDP) ng bansa, value ng goods at services na pino-produced ng ekonomiya.
Ayon sa report, ang mabilis na paglago ng ekonomiya ay dahil na rin sa maayos na paggastos ng gobyerno. Mahusay din daw ang pamumuno at pamamahala kaya marami nang investors ang nagtitiwala sa kasalukuyang gobyerno.
Nakamamangha na pinakamabilis ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas. Noong nakaraang taon, 6.6 percent ang inangat nito at marami rin ang namangha. Agad namang ipinagmalaki ni President Aquino ang mabilis na paglago. Hindi raw ganun ang inaasahan niyang paglago na nalampasan pa ang inaasahan.
Napakaganda ng balitang nagpapatuloy ang paglago ng ekonomiya. Sino ang hindi masisiyahan dito. Kaya lang, habang maraming pinuno ng pamahalaan ang natutuwa, nagtataka rin naman ang mamamayan kung bakit hindi pa nila maramdaman ang pag-unlad ng ekonomiya. Mataas pa rin ang bilihin, patuloy ang pagtaas ng gasolina, at hindi bumababa ang pasahe. Marami rin naman ang walang trabaho at may nagugutom pa rin. Kailan madarama ang paglago ng ekonomiya?





Biyernes, Hunyo 14, 2013

Hindi nako BATA !!




Hindi na'ko BATA !!
                               "Ikaw bata ka, ang kulit kulit mo." Ang palaging sinasabi sakin ng nanay ko sa tuwing manghihingi ako ng pera pambili ng paborito kong lollipop. Pagkatapos ay huhugot sya ng barya sa kanyang bulsa at pagkabigay nya ay agad naman akong tatakbo sa malapit na tindahan. Kung minsan naman ay kinakailangan ko pang umiyak para lang bigyan ng konting barya. Paborito ko kase ung lollipop na flavor apple tapos my bubble gum sa dulo, makabili lang ako ng ganun masaya nako. Eh mababaw lang kase ang kaligayahan ko. BATA nga naman .

                              "Ikaw bata ka, pasaway ka talaga !" Ang palaging sinasabi sakin ng nanay ko sa tuwing uuwi ako ng bahay nang may sugat sa tuhod. Masarap kaseng maglaro sa kalsada kasama ang mga kapwa bata. Naglalaro kami ng piko at tumbang preso, minsan naman ay habulan at taya-tayaan. Naglalaro din kami ng luksong baka at luksong tinik, at kung mapapagod naman ay uupo kami sa lilim ng puno ng acasia. Hindi kase maiiwasan ang madadapa at masusugatan, kaya minsan napapagalitan. Pasaway na bata. ! BATA nga naman . !!

                              "Ikaw bata ka, kelan ka ba matututo ?"  Palagi kase akong nagkakamali tapos napapagalitan pa. Isang beses, sa sobrang excite kong makipaglaro sa mga kalaro ko, nakalimutan kong gumawa ng assignment ko. Dahil dun napagalitan ako ng nanay ko at ng teacher ko. :) Kase naman pasaway at makulit akong bata. Palagi akong napapagalitan, napagsasabihan, at nasesermonan . Sabi ng iba, kapag palagi ka daw nasasaway, napapagalitan o nasesermonan, "hndi ka na daw BATA, isa ka nang MATANDA"


                             "Hindi na nga ako BATA eh . !! Tanggap ko naman ung katotohanang "ang lahat ng tao, babae man yan o lalaki, ay dadaan sa pagiging BATA at ang lahat ay magiging MATANDA." Sa totoo lang hindi n nga ako bata. Kinse anyos(15) na nga ako eh, magdidisasais(16) na pala. :)) Kung noon ang palaging sinasabi ng nanay ko ay "Ikaw bata ka, makulit ka, pasaway ka, matuto ka !!", ngayon ay "Matanda ka na, malaki ka na, ikaw na ang bahalang umintindi sa sarili mo .!! "  Hmmmp.. Ganyan talaga ang buhay, hindi habang buhay binibeybi tayo ng ating mahal na magulang. !!
Kaya ako, tanggap ko na ang pagiging dalaga ko at balang araw tatanda din ako. Kaya nga iniEnjoy ko na lang ang "buhay dalaga", kase tapos na ako sa "buhay bata" at ang pagiging "matanda" naman ,, Well, I'm LOOKING FORWARD .... !!!