Linggo, Hulyo 28, 2013


Pamahiin  

    Naniniwala ka ba sa pamahiin ? Yung bang palaging    sinasabi ng mga matatanda. Yung palaging pinapaalala nila sa atin. Yung "bawal toh" , "bawal yan", " masama yan" , " masama yon" at kung ano-ano pang paliwanag . Yung paulit ulit nilang pagpapaalala sayo hanggang sa sinusunod mo na pala.

        May iba't ibang klase ng pamahiin. May pamahiing nakakatakot, pamahiing nagbibigay babala, pamahiing pampaswerte at kung ano - ano pa .Sabi nila hindi naman daw totoo ang pamahiin, pero wala naman daw mawawala kung maniniwala tayong mga tao. Ang mga Pilipino, likas sa atin ang pagiging masunurin kung kaya't marami tayong pinaniniwalan sa buhay kasama na dito ang mga pamahiin na noong unang panahon pa umusbong. Ngunit marami din sa atin ang likas na mapag-isip at matanong, maraming tutol o kontra sa paniniwala ng mga Pilipino sa mga pamahiin. Marami ang naniniwala sa salita ng Diyos kung kaya't kontra sila sa pamahiin.Ayon sa DEUTERONOMIO 18:10-12 "Huwag makakasumpong sa iyo ng sinomang nagpaparaan sa apoy ng kaniyang anak na lalake o babae, o nanghuhula o nagmamasid ng mga PAMAHIIN o enkantador, o manggagaway, O enkantador ng mga ahas, o nakikipagsanggunian sa mga masamang espiritu, o mahiko, o sumasangguni sa mga patay. Sapagka't sinomang gumagawa ng mga bagay na ito ay karumaldumal sa Panginoon: at dahil sa mga KARUMALDUMAL na ito ay pinalalayas sila ng Panginoon mong Dios sa harap mo. "Sinasbi dito na ang pamahiin ay karumaldumal sa harap ng Diyos. Ngayon kanino ka maniniwala, sa Diyos at nakasaad sa Bible o sa mga sabi - sabi lang.?

           Gaya nga ng sabi ko , may kanya-kanya tayong pinaniniwalaan . May kanya-kanya trip. Nasa sa atin pa din ang desisyon kung maniniwala o susunod ba tayo sa ating kinagisnang tradisyon. Tayo naman ang gumagawa ng ating kapalaran ang kung anong maaaring mangyari sa hinaharap. May kanya-kanya tayong opinyon, may sari-sarili tayong paniniwala. Nasa sa atin ang paraan kung paano patatakbuhin ang daloy ng ating buhay. Basta ang mahalaga, gawin natin kung ano yung mas makakabuti sa atin. Maniwla man o hindi sa pamahiin, wag nating kakalimutan ang Diyos na lumikha. !!