Linggo, Agosto 4, 2013

"BATA, BATA.. PA'NO KA GINAWA?" ni: Lualhati Bautista de la Cruz


PAGKILALA SA MAY AKDA:
ito po ang libro :)


Si Lualhati Bautista Dela Cruz ay isang bantog na babaeng Pilipinong manunulat. Kadalasan, ang mga akda niya ay nasa anyong nobela o maikling kwento, pero nakakalikha din siya ng ilang akdang pampelikula. Pinanganak sa Tondo, Manila noong Disyembre 02, 1945. Ang ilan sa kanyang mga akda ay ang Gapo, Dekada 70 at Bata Bata Pa'no Ka Ginawa ? na nakapagpanalo sa kanya sa Palanca Award ng tatlong beses: noong 1980,1983,1984. Marami pa siyang akda na lubos na nagpaningning ng kanyang pangalan. Naniniwala sya na ang buhay ng tao ay isang napakahalagang biyaya ng Diyos na di dapat pabayaang masira.
MGA TAUHAN :

                 Nanatiling tapat ang may akda sa paglalarawan ng mga tauhan sa nobela. Bagamat hindi pangkaraniwang Babae si Lea, makatotohanan pa rin ang kanyang karakter. Sa panahon ngayon ay hindi na uso ang martir na asawa. Iyon ay pinatunayan ni Lea. Siya ay malayo na sa tradisyonal na konsepto ng kababaihan. Si Lea ang pangunahing tauhan sa nobela at kaagay nya dito ang kanyang pamilya na sina Maya, Ojie, Ding, Raffy, at Johnny na nakatulong upang mas lalong  maging kapani-paniwala ang nobelang ito.


BUOD  :


                  "BATA, BATA... PA'NO KA GINAWA ?"
nobela ni: Lualhati Bautista de la Cruz

                        Ang buhay ng tao ay isang napakahalagang biyaya ng Diyos na di dapat pabayaang masira. Ang paggawa ng isang bata ay di agad masasagot nang walang pagunawa sa tanong na "Bata , bata.. Pa'no ka Ginawa ? tanong na nakakatawa ngunit napapanahon, lalo na sa mga kabataang naghahanap ng katotohanan tungkol sa kanilang buhay at  sa mundong ginagalawan. Tayo'y nilikha ng Diyos sa pamamagitan ng ating mga magulang, sila na nagbibigay buhay sa atin. Hiram lang ang buhay na ito kaya'y nararapat lang pangalagaan. Ang paggaawa ng bata ay may kaakibat na responsibilidad at di nagtatapos sa panganganak. Ito ay nagpapatuloy hanggang sa paglaki at ang paglaki ng bata ay siya ring paglaki ng magulang bilang isang tao sa mga aspetong emosyonal, intelektwal, sikolohikal at ispiritwal. Kasama sa pagunlad ng pag iisip ng anak pati na rin sa pagusbong ng mga bagong kaisipan mula rito. Ptuloy ang kanilang paglalakbay tungo  sa  pinag mulan,ang Diyos. Marahil nga ay madilim ang kinabukasan ngunit kailangang harapin natin ito ng may tapang at pag asa dahil tanging dito lang magkakaroon ng saysay ang ating buhay. Marahil din ay walang kabuluhan ang ating pagkabuhay sa mundo ngunit kailangan pa rin tayong magpatuloy dahil tanging Diyos lamang ang may karapatang kunin ang buhay. Marahil  ay hindi na mabibigyang kasagutan ang ating mga katanungan ngunit hindi tayo dapat tumitigil  sa paghahanap ng katotohanan dahil dito natin matatagpuan ang kapayapaan. Ang tagumpay ay sakripisyo; ang sakripisyo ay pagtulong/pagpapatuloy: ang pagpapatuloy ay ang pakikibaka.

         "Bata, Bata.. Paano ka ginawa ? Paano ka ginawa sa isang lipunang ang tunggalian ay makauri, isang panahong ang bayan ay nasa krisis, sa isang pamilyang nakikipaglaban sa taong tiwalag sa kapwa ? Paano ? Sa pag-ibig, at sa pag-ibig kailangang ding mabuhay at mag alay ng buhay." !!!


MGA ARAL :

               Iminulat ng may akda ang mga mambabasa sa  Realidad ng buhay sa mundo sa pamamagitan ng pananaw ng isang Bata. Sa pamamgitan ni Lea, ipinapakita na hindi sa lahat ng panahon ay magiging kasintahimik na lang tayo ni Placido Penitente. Kilangang magpasya at makibaka sa dagat ng buhay. Kailangang tugunin ang tawag ng panahon. Huwag magwalang-bahala sa kawalang katarungan, paghihirap, at diskriminasyong nangyayari sa lipuna.

           Patuloy tayong naghahanap ng kalayaan, tulad ni Lea na ayaw manatili sa kanyang  nakakahon at maliit na papel bilang isang babae. Sa ating paghahanap ay may mga matatagpuan din tayong mga butil ng buhay. Ang pagrerebelde ng mga bata ay dala na rin siguro ng supresyon at kakulangan sa pag-aaruga sa bahagi ng magulang. Ang panlabas naimpluwensya ay isa ring dahilan ngunit maaaring bunga lang ito ng mga suliranin sa pamilya.

            Ang pagnanasang baguhin ang mundo ay nangangailangan na rin marahil sa pagnanasang baguhin ang ating sarili. Ang isang magulong sitwasyon ay hindi kaagad nag-uudyok ng radikal na pagbabago. Ang ating galit sa mundo ay salamin na rin ng ating galit sa sarili. Ang rebolusyon, kung gayon, ay dapat nagsisimula sa ating mga sarili. !